Kaligirang Kasaysayan ng Ibong Adarna
Ito ay may buong pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Ayon sa mga tala sa kasaysayan ang akdang ito ay hindi itinuturing na "orihinal" na nagmula sa Pilipinas. Pananampalataya, alamat, at kababalaghan ang karaniwang paksa nito. Ang korido ay anyong pampanitikan mula sa Espanya na nakarating dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Mexico. Ito ay isang uri ng metrical romance. Korido Ang akdang Ibong Adarna ay isang korido . Ang Korido ay isang tulang pasalaysay na may sukat na wawaluhing pantig at may iisang tugmaan na sa tradisyon ay binabasang paawit. Bigyang-pansin ang halimbawang saknong ng Ibong Adarna: